Ang Akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng impormasyon sa halip na manlibang.
Akademikong sulatin
Ito ay pambungad na mga pangungusap at dito rin ipinakikilala ang paksa. Ang bahaging ito ay nararapat na maging kawili-wili upang mahikayat ang mga mambabasa na tapusing basahin ang teksto.
Simula
Dito napapalawak at napatototohanan ang mga impormasyon. Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuang ang wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda.
Gitna
Ito ay kumakatawan bilang konklusyon ng isang sulatin. Sa pasulat ng bahaging ito dapat makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Wakas
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
Pormal
Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa sariling pananaw o ayon sa haka-haka o opinion.
Obhetibo
Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.
May pananagutan
Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisado ang mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkaugnay-ugnay ng pangungusap na binubuo nito.
Maliwanag at organisado
Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan.
May paninindigan
Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon. Nakapalood dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.
Memorandum
Layunin nitong ipakita o ipabatid ang mga paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng mga organisadong pagpupulong.
Agenda
Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
Katitikan ng pulong
Layunin nitong magbigay ng malinaw at tumpak na impormasyon tungkol sa isang partikular na paksa upang matugunan ang tanong sa isip ng mga tao.
Impormatibo
Isa sa mga layunin ng akademikong pagsulat ay ang manghikayat layunin nitong magbigay ng argumento at magsulong ng isang partikular na pananaw o opinyon upang baguhin ang opinyon o kilos ng mambabasa.
Manghikayat
Layunin ng akademikong sulatin na maging malinaw, direktibo at sistematiko ang pagsulat.
May kalinawan
Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teksto. Binibigyang-pansin ang kaligiran, layunin, at paksa.