Ovido
Idioma
  • Inglês
  • Espanhol
  • Francês
  • Português
  • Alemão
  • Italiano
  • Holandês
  • Sueco
Texto
  • Maiúsculas

Usuário

  • Entrar
  • Criar conta
  • Atualizar para Premium
Ovido
  • Início
  • Entrar
  • Criar conta

Noli Me Tangere Characters

Binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.

Don Crisostomo Magsalin Ibarra

Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon.

Maria Clara delos Santos

piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang Bayan at gayundin ang mga suliranin nito. Siya ay isang tunay na maginoo, hindi mapaghiganti, ang iniisip ay ang kapakanan ng nakararami, at may pambihirang tibay ng loob.

Elias

Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya't hindi siya maunawaan ng marami.

Pilosopong Tasyo

Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal.

Padre Damaso

delos Santos - Isang mayaman mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi.

Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos

Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yamang kanyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kanyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga paglabag dito.

Don Rafael Ibarra

Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak.

Sisa

Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.

Padre Bernardo Salvi

Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra

Padre Hernando Sibyla

Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.

Basilio

Bunsong kapatid ni Basilio na tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Isa ring sakristan at kasama ni Basilio sa pagpaparatang na nagnakaw ng pera sa simbahan.

Crispin

Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.

Alperes

Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.

Donya Consolacion

Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila bagama't ito ay laging mali.

Donya Victorina de Espadana

Siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng magandang kapalaran. Naging asawa siya ni Donya Victorina. Siya ay maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo.

Don Tiburcio de Espadana

Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio.

Alfonso Linares

Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang.

Tiya Isabel

Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak. Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara.

Donya Pia Alba delos Santos

Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.

Tenyente Guevarra

Ang pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya rin ang tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado.

Kapitan-Heneral

Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa. Siya rin ang ama ni Sinang.

Kapitan Basilio

Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Viña. Siya ay mahilig magbasa ng Latin.

Don Filipo Lino

Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay humihingi ng danyos sa nangyari ngunit dahil sa pagtataboy sa kanyang malinis na hangarin ay pinili na lamang niyang sumapi sa mga tulisan.

Lucas

Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias.

Don Saturnino Ibarra

Tanging babaeng maka-bayang pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Kapitana Maria

Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan.

Maestro Nol Juan

Siya ang puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.

Kapitan Pablo

Siya ay isang simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan. Siya ang babaeng natatangi sa puso ni Elias.

Salome

Kinakapatid ni Maria Clara na mahusay magluto

Andeng

Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara

Neneng

Masayahing kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitan Basilio

Sinang

Tahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni Albino

Victoria

Magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa

Iday

Ang dating seminaristang nakasama sa piknik sa lawa at kasintahan ni Victoria.

Albino

Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad.

Leon

Nuno ni Crisostomo Ibarra

Don Pedro Ibarra

Quiz
Rooms and furniture
We...
Cefalometría de Steiner
Cefalometría de Downs
Cefalometría - Steiner
Cefalometría - Downs
Cefalometría de Downs
CCO - Cañas
Language Features
nnd
Poesia renacentista
svt
SVT
Läkemedel vid hyperlipidemi
Läkemedel vid ökad trombosbenägenhet
Läkemedel vid ischemisk hjärtsjukdom
Läkemedel vid hjärtsvikt
Semester
Quiz 4 - copia
singh
Aiste
meridian groups
5.3 Kolväten - organisk kemi
Psychology Key Terms
veronica English
renacimiento siglo 16
5 senses
time
adriana
space
V.6
fastighetsvärdering
qa
systeme respiratoire
unit 2 voc
Metodologia della prevenzione controllo ormonale ed elementi di dietetica
italian part 6
Module 1
Prov
section 2-About me
Fatores Condicionantes da Agricultura Portuguesa
Coasts
Micenei
equipo de trabajo
remedial instruction
Command Line
italian mocks
Sjuksköterskans profession - spem
MY ANALYSIS
english 3rd mocks