tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Ito ay binubuo ng iba't ibang institusyon, ugnayan at kultura
lipunan
Ito ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Ito ay binubuo ng pamilya, edukasyon, ekonomiya, relihiyon at pamahalaan.
Institusyon
Ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng ugnayang panlipunan.
social group
ito ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal. Kadalasan ito ay mayroon lamang maliit na bilang.
primary group
ito ay binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa't isa. Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan.
Secondary group
Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan
status
ito ay nakatalaga sa isang indibiduwal na siya ay ay ipinanganak. Hindi ito kontrolado ng isang indibiduwal.
Ascribed status
ito naman ay nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap. Sa status na ito ay maaaring mabago ng isangg indibiduwal ang kanyang achieved status.
achieved status
ito ay tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunang kanyang ginagalawan. Ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan