PanFil
Kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay;
Alamat
Mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Kuwentong bayan
Tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Epiko
Mga _____ ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin gaya ng Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu PungSingsing, at Paruparong Bukid.
Awiting bayan
Nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
Salawikain
Mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
Sawikain
Isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na nagaganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
Nobela
Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
Maikling kwento
Mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wri ba’y tunay na mga tao.
Pabula
Mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan.
Parabula
Maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa. Maaari ring ito ay kinasasangkutan ng mga hayop o ng mga bata.
Anekdota
Kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang epiko, awit at korido.
Tulang pasalaysay
Mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na
maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao.
Tulang pandamdamin o liriko
Tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan.
Tulang padula o dramatiko
Mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan.
Tulang patnigan
Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at
pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala.
Epiko
Mga patulang salaysay na paawit kung babasahin. Pawang sa
ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay nito. Kinapapalooban ito ng romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan.
Awit at korido
Tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa.
Soneto
Tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal
Elehiya
Tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.
Dalit
Tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
Pastoral
Tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.
Oda
Father of Filipino Comics
Tony Velasquez
Dean of Philippine Comics
Francisco V. Coching
Sumulat ng ‘Mga Tanong Mga Sagot’ kung saan isang tumatandang ina ang nagkaroon ng pagtatanong sa sarili na kung hindikaya siya nakapag-asawa ng maaga
ay malayo pa kaya ang mararating niya sa buhay.
Luahati Bautista
Sumulat ng ‘Marami pa ring Tanga sa Maynila’kung saan ipinapakita ang tunay na hitsura ng lungsod na kahit ang mga taong dito na lumaki ay marami pa ring hindi
nalalaman.
Rading Sabater
Katumbas ito ng “line” o “verse”. Binubuo ito ng mga salita at pantig.
Taludtod
Binubuo ito ng apat na mga taludtod. Nangangailang pare-parehas ang bilang ng taludtod sa bawat saknong 6/upang hindi pabago-bago.
Saknong
Masining na pagkakahati/paghihiwalay sa linya.
Caesura
Ito ang pagkakapareho ng huling pantig sa bawat dulo ng taludtod.
Tugmaan
Masining na pagkakahati/paghihiwalay sa linya. May sukat din ito, maaari maging:
4/4/4 = 12
6/6 = 12
8/8 = 16
6/6/6 = 18
8/8/8 = 24
6/6/6/6= 24
Dalawang uri batay sa bilang ng taludtod kada saknong;
a. Gansal - _____
(5,7,9,11)
Dalawang uri batay sa bilang ng taludtod kada saknong;
a. Pares - _____
(4,6,8,12,16,24)
- binibigkas nang mabagal
- may impit
- ginagamitan ng tuldik na paiwa (\)
Malumi
- binibigkas nang mabagal
- walang impit
- hindi ginagamitan ng tuldik
- maaaring magtapos sa patinig at katinig
Malumay
- binibigkas nang mabilis
- walang impit
- ginagamitan ng tuldik na pahilis (/)
Mabilis
- binibigkas nang mabilis
- may impit
- ginagamitan ng tuldik na pakupya (/\)
Maragsa
Binubuo ng “b,” “k,” “d,” “g,” “p,” “s,” at “t.” Kaya
magkakatugma ang mga salitang “talab,” “batak,” “tulad,” “dalag,” “sapsap,” “basbas,” at “salat.
Tugmaang malalakas
Binubuo ng mga titik na “l,” “m,” “n,” “ng,” “r,” “w,” at “y”.
Kaya magkakatugma, halimbawa, ang mga salitang “dasal,” “alam,” “ulan,” “sayang,” “sayaw,” at “away.”
Tugmang mahihina
Ang antas ng tugmaan kung simpleng sinusunod lamang ang natalakay nang panuntunan sa pagtutugma sa itaas. Maaaring magtugma ang malumay at mabilis, ang malumi at maragsa.
Payak o karaniwan
Isinasaalang-alang na ang bigkas ng salita. Tutugma lamang ang malumay sa malumay, mabilis sa mabilis, malumi sa malumi, at maragsa sa maragsa.
Tudlikan
Bukod sa bigkas, isinasaalang-alang na rin ang pagkakapareho ng huling dalawang titik ng salita.
Pantigan
Bukod sa pagkakapareho ng bigkas, isinasaalang-alang ng rin ang pagkakapareho ng huling tatlong titik ng salita.
Dalisay
Sa teoryang ito, higit na nangingibabaw
ang damdamin ng mga tauhan kaysa sa kaisipan. Pinapahalagahan ang damdamin at guniguni.
Romantisismo
Pinalulutang dito ang katotohanang nangyayari
sa tunay na buhay. Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.
Realismo
Ito ay pamamaraan ng paglalahad ng mga
bagay, kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga
sagisag.
Simbolismo
Sa teoryang ito hinahanap ang
kahalagahan ng personalidad ng tao at ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.
Eksistensyalismo
Inilalahad ng teoryang ito na ang kalakasan at
kakayahn ng mga kababaihan. Naglalayon itong iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Feminismo
Ito’y pananlig na mailarawan ang kalikasan
nang buong katapatan, kaya’t malimit na maipagkakamali sa
realismo.
Naturalismo
Tumutukoy ang teoryang ito sa paghihimagsik sa isang tradisyon, relihiyon, kaugalian o paniniwala upang
magkaroon ng puwang ang mga pagbabago.
Modernismo
Paniniwala sa pinakamahusay na dapat gawin.
Idealismo
Pinangingibabaw ang isipan laban sa damdamin.
Klasisismo
Sa ganitong pananaw, ipinalalagay na may
kapangyarihang maglahad ang akda, di lamang ng mga literal na katotohanan kundi ng mga panghabambuhay at universal na katotohanan at mga di mapapawing pagpapahalaga.
Moralistiko
Hindi lamang ang larangan ng pagsusuri ang
sinasaklaw nito kundi gayundin ang larangan ng kultura,
politika, ekonomiya at pilosopiya.
Marxismo
Nangingibabaw sa teoryang ito ang
katotohanan sa kabila pa ng katotohanan.
Surealismo
Binibigyang-diin sa teoryang ito ang
pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa akda.
Historikal
Pinalulutang sa teoryang ito ang tahasang
pagpaparating ng may-akda sa kanyang mga mambabasa.
Pormalismo
May mga akdang pampanitikan na kakikitaan
ng mahahalagang bahagi sa pamamagitan ng simbolismo,
ngunit hindi ito agarang nasusuri.
Arketaypal
Tumutukoy sa paglikha ng impresyon ng karanasan ng mga tauhan.
Impresyunismo
Ipinahahayag ng manunulat ang kanyang kaisipan lalo na ang kanyang nadarama.
Ekspresyunimo