AP 1Q
isinasaalang-alang ang kahalagahan ng pagtukoy ng pagkakaiba ng personal at panlipunang isyu.
Ang Barangay Masikap ay patuloy na tumataas ang antas ng krimen dulot ng ipinagbabawal na gamot batay sa tala ng pulisya
Sa paggamit ng approach na ito, ang pagpaplano ukol sa paghahanda ay nagsisimula sa pamahalaan.
Top-Down Approach
Sa gawaing ito, tinutukoy sa mapa ang mga lugar na maaaring makaranas ng hazard at mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaaring mapinsala.
Hazard Mapping
Ano ang kahalagahan ng pag- aaral ng mga kontemporaryong isyu?
Nahahasa ang iba't ibang kasanayan at pagpapahalaga
Aling konsepto ang tumutukoy sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan?
Norms
Gamit ang Top-down approach, kanino nakasalalay ang paghahanda. para sa mga banta ng iba't ibang hamong pangkapaligirang nararanasan?
Sa pamahalaan dahil sa pagpaplanong gagawin dapat batid muna nila ang pangangailang ng komunidad
Ano ang tawag sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000)?
Solid Waste
Ang salitang "kontemporaryo" ay naglalarawan sa panahon mula sa pagitan ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan na kinapapalooban ng iba't ibang kaganapan bilang "isyu". Bakit itinuturing ito bilang isyu?
Sapagkat ang mga kaganapan o paksa, tema o suliranin na pinag- uusap dito ay nagiging batayan ng debate at may malaking epekto sa pamumuhay
Anong pangyayari ang tumutukoy sa lumalakas, dumadalas, at nagiging unpredictable na pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas?
climate change
Ayon kay Emile Durkheim, ito ay binubuo ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon.
lipunan
Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinaraya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba't ibang suliraning pangkapaligiran.
Prevention/Mitigation
Anong bagyo ang nanalasa sa girnang Pilipinas noong Nobyembre 2013 kilala sa pandaigdigang katawagan na bagyong Haiyan na nagdulot ng malaking pinsala sa buhay at mga ari-arian?
bagyong yolanda
Ang polusyon sa tubig, hangin, ingay at iba pa ay halimbawa ng isyung
pangkapaligiran
Ang climate change ay pangunahing suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa pagsisimula ng ika-20 siglo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabisang dahilan ng pagkakaroon nito?
Pagkakaingin at illegal na pagputol ng punong kahoy
Ang vulnerability ay tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng vulnerable na pamayanan sa isang kalamidad?
Maraming mga bata at buntis ang naninirahan sa pamayanan.
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga pangyayari na nangangailangan ng paglilinaw, debate o klaripikasvon?
Kontemporaryong Isyu
Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng epekto ng climate change?
Deforestation o ang permanenteng pagkakalbo ng kagubatan.
Alin sa sumusunod ang hindi saklaw ng isyung panlipunan?
Rasismo
Ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay may malaking ambag sa pagkakaroon ng mulat na isipan ng bawar indibidwal. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan nito?
Ito ay nakatutulong sa paghubog ng isang mapanagutang mamamayan na may malasakit sa kanyang lipunang kinabibilangan.
Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin hinggil sa solid waste?
Palagiang pagsasabuhay ng 3Rs (Reduce, Reuse, Recyle) at pagsasagawa ng waste segregation
Isa sa mga unang hakbang ng disaster management plan ay ang pagtataya sa mga hazards at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba't ibang suliraning pangkapaligiran. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng prevention and mitigation?
Dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung anu-ano ang mga hazard, mga risk at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad
Isa sa mga gawaing nakapaloob sa Disaster Response ay ang pagsasagawa ng Needs Assessment. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapahayag nito?
Tinataya ng lokal na pamahalaan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo tulad ng pagkain, tubig, damit, atbp.
Naglabas ng kautusan ang inyong lokal na pamahalaan na magsagawa ng preemptive evacuation sa inyong lugar dahil sa paparating na bagyo. Nangangamba ka na kapag iniwan mo ang inyong bahay ay mawala ang ilan sa inyong mga kagamitan. Ano ang iyong gagawin?
Susunod sa kautusan at makikiisa sa lokal na pamahalaan sapagkat ito ay para rin naman sa aking kaligtasan at buhay na ang nakataya.
Noong ika-pito ng Nobyembre 2013, ang Pilipinas ay nakaranas ng hagupit ng bagyong YOLANDA. Ang kaganapang ito ay kumiril ng maraming buhay at sumira ng mga ari-arian, Ano ang mahalagang bahaging ginampanan ng pamahalaan dito?
Ang unang bumalangkas ng pagpaplano upang maiparating sa mga mamamyan ang agarang tulong upang sila din ay makapagplano ng simpleng pamamaraan at unti-uting makabangon mula sa trahedyang nangyari
Bakit mahalaga na maging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
Upang maging kabahagi sa pagbibigay ng solusyon sa mga iba't ibang isyu at hamong panlipunan na ating nararanasan
Bakit maituturing na mas mabisang paraan ang bottom-up approach sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran
Dahil lahat ng sektor ng lipunan ay sangkot sa pagbuo ng plano at desisyon sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran.
Ano ang pagkakaiba ng top- down approach sa bottom-up approach sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran?
Ang bottom-up approach ay paraan ng pagbuo ng disaster management plan na kasangkot lahat ng sektor ng lipunan samantalang ang top-down approach ay disaster management plan na binuo ng pamahalaan lamang.
Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng bottom-up approach
Sa pamahalaan nakasalalay lahat ng tungkulin upang maging disaster-resilient ang buong bansa.
Alin sa sumusunod ang magiging epekto ng hindi pagsasagawa ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Approach sa panahon ng kalamidad?
Maraming buhay ang maaaring mawala at ari-ariang mapipinsala.
Sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan, bakit mahalagang kunin ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan?
Mas magiging komprehensibo at matagumpay ang planong mabubuo sapagkat ito'y nagmula sa mga mamamayan.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsasagawa ng Disaster Rehabilitation and Recovery?
Isinaayos ng lokal na pamahalaan ang mga nasirang kalsada at mga tulay dulot ng dumaan na bagyo.
Alin sa sumusunod na gawain ang hindi kabilang sa pagsasagawa ng disaster prevention and mitigation?
Damage Assessment
Ang global warming ay tumutukoy sa matinding pag-init ng atmospera ng daigdig. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang tuluyang pagkasira ng ating kapaligiran dulot ng suliraning ito?
Magtipid sa paggamit ng kuryente.
Bilang isang miyembro ng pamayanan, paano ka makatutulong sa pagsasagawa ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Approach?
Hikayatin ang mga tao sa inyong komunidad na makiisa sa lokal na pamahalaan sa pagbuo ng CBDRRM plan.
Nararapat bang iisang approach ang gamitin sa pagbuo ng disaster management plan?
Hindi, sapagkat mas maganda kung kukunin ang kalakasan ng dalawang approach at pagisahin sa pagbuo ng disaster management plan upang maging komprehensibo ang mabubuong plano.
Ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagiging resilient ng isang miyembro ng komunidad?
Napanood ni Fajardo ang balita na may paparating na malakas na bagyo kaya dali-dali niyang inayos ang bubong ng kanilang bahay.
Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng anthropogenic hazard?
lindol
Alin sa mga samahang pangkapaligiran ang tumutulong sa pagpapatayo ng mga Material Recovery Facility?
bantay kalikasan
Isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
Community-Based Disaster and Risk Management Approach
Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pogsasagawa ng non-structural mitigation?
Nagsagawa ng isang seminar sa barangay na dinaluhan ng mga mamamayan hinggil sa mga dapat gawing paghahanda kapag may paparating na bagyo.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction Management Plan?
Si Mayor Aguilar ay nagpalabas ng kautusan hinggil sa pagsunod sa disaster risk management plan na binuo ng kanyang konseho.
A. Ang kultura ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lipunan.
B. Ang paraan ng pamumuhay o kultura ng mga tao ay nagbabago samantalang ang kanilang lipunang ginagalawan ay hindi.
ang pangungusap A ay TAMA at ang pangungusap B ay MALI
Ang Risk Assessment ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng nito?
Upang mas maging mulat ang mga mamamayan sa mga sa hazard na mayroon sa kanilang komunidad at upang magkaroon ng mas matibay na batayan
Walang kinalaman ang tao sa labis na tagtuyot at malalakas na bagyo na nararanasan sa kasalukuyan. B. Hindi maituturing na sanhi ng mga suliraning pangkapaligiran ang modernisasyon.
pangungusap A at B ay parehong MALI
Ang unang hakbang sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan ay Disaster Preparedness. B. Ang ikalawang hakabang pagbuo ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Plan ay Disaster Response
pangungusap A at B ay parehong MALI
A. Ang capacity assessment ay isinasagawa upang mataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o pamayanan na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad.B. Ang hazard assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinasala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang kalamidad.
pangungusap A ay MALI at ang pangungusap B ay TAMA
A. Ang madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña ay manipestasyon ng climate change. B. Isa sa mga panganib na dulot ng climate change sa Pilipinas ay ang panganib sa food security.
pangungusap A at B ay parehong TAMA